|
I've learned that you cannot make someone love you. All you can do is be someone who can be loved. The rest is up to them. I've learned that no matter how much I care some people just don't care back. I've learned that just because someone doesn't love you the way you want them to doesn't mean they don't love you with all they have. I've learned that it takes years to build up trust, and only seconds to destroy it. I've learned that it's not what you have in your life, but whom you have in your life that counts. I've learned that our background and circumstances may have influenced who we are, but we are responsible for who we become. I've learned that we are responsible for what we do, no matter how we feel. I've learned that either you control your attitude or it controls you. I've learned that sometimes when I'm angry I have the right to be angry, but that doesn't give me the right to be cruel. I've learned that maturity has more to do with what types of experiences you've had and what you've learned from them and less to do with how many birthdays you’ve celebrated. I've learned that two people can look at the exact same thing and see something totally different. I've learned that no matter how good a friend is, they're going to hurt you every once in a while and you must forgive them for that. I've learned that it isn't always enough to be forgiven by others. Sometimes you have to learn to forgive yourself. I've learned that just because two people argue, it doesn't mean they don't love each other. And, just because they don't argue, it doesn't mean they do. I’ve learned that no matter how bad your heart is broken the world doesn’t stop for your grief. I’ve learned that no matter how you try to protect your children, they will eventually get hurt, and you will hurt in the process. I've learned that you should never tell a child their dreams are unlikely or outlandish. Few things are more humiliating, and what a tragedy it would be if they believed it. I've learned that heroes are people who do what has to be done when it needs to be done, regardless of the consequences. I’ve learned that you can keep going long after you can’t.
It's almost a year when i broke up with my boyfriend... And living my life without his footprints beside me is an achievement! A victory for a person who tried to obey what God wanted me to do. At first, i thought it would be easy, but as time passes by, i felt the pain and the loneliness. It seems I'm living in this world all alone. Doing things all by myself. Until i realized, I've been too attached with him, which made me forget how to live life on my own. One year has passed. Different emotions. Unexpected situations. Strangers became best of friends. Discovered a more colorful and meaningful life. I take it as an opportunity to serve God as single. Because I believe that, committing myself in a serious relationship might be a distraction. And that is based on my experiences with him. I've been through with different struggles in that relationship, because of some factors that contradict my beliefs, principles in life, the environment I used to live and so many things that causes us to end our relationship. I never regret doing the right thing, because it freed me. And i know that's the best way I could obey and please GOD, as well as my mom and dad. Moving on, would I say one of the hardest part in one's life, the most painful process that i must survive,. Yet, God is so good, he never fails to give me grace to surpass all those. There were times i asked HIM, why HE let me feel all the pains, heartaches and frustrations. And GOD reminded me of one thing; "IT'S YOUR CHOICE MY CHILD, YOU CHOOSE TO FOLLOW YOUR OWN WILL AND NOT MY WILL FOR YOU."
|
Wednesday, April 29, 2009
|
|
nakakapagod itong araw na ito, pero sa totoo lang maghapon ako nakaharap sa pc, mataas na siguro bill namin sa kuryente hehehe ewan ko ba, para kasi akong nakawala sa hawla, parang gusto ko ma-enjoy ung pagkakataon na wala akong pasok, gusto ko mag unwind muna, pero ewan ko ba, parang hindi tama, parang kailangan ko mag-aral, parang ang dami ko pang dapat gawin, hay so bad talaga... gusto ko mag-aral pero hindi ko magawa...hehehe buhay nga naman, tapos eto and dami ko pang iniisip, sana sa mga susunod na araw sipagin na ako, hirap pala kapag school days wala na ko gnwa kundi mag-aral ! mag-aral! kaya pag nakapag bakasyon bongga! hehehe

Letting Go of the Person you’ve learned to love Sabi nila, pagmahal mo ang isang tao, set him/her free. Oo madaling sabihin, pero paano kung ikaw na nag nasa sitwasyon, kaya mo kayang pakawalan ang taong natutunan mo nang mahalin? Oo, mahirap, masakit ang hayaang mawala ang taong espesyal sa’yo at naging parte ng buhay mo. Pero minsan, kailangan mong gawin para sa ikasasaya niya, sa ikabubuti niya at ng sitwasyon. Trying to hide what you really feel
In short, pretending. Marami sa atin mahilig mag-pretend. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang magpretend na di mo mahal ang isang tao, na wala kang pakialam sa kanya, pero diyan sa puso mo, para bang sasabog na yang puso mo sa tuwing nakikita mo siya, tapos sa tuwing kakausapin ka niya halos di ka na makasalita at kung minsan pinapakita mo na u don’t care for him/her pero ang totoo, di ka na makatulog sa kaiisip mo sa kanya kung ok lang ba siya. Huwag mo na kasi pahirapan sarili mo, bakit ba di mo pakita at paramdam yung talagang nararamdaman mo. Kung mahal mo siya sabihin mo, sige ka baka dumating yung panahon na masasabi mo na lang na, sana noon pa. Loving a person to much
Ika nga, lahat ng sobra ay masama. Minsan sa buhay natin, di na natin namamalayan na may mga pagkakataon na nagmamahal na tayo ng sobra. Yung tipong wala nang natira para sa sarili natin. Na siyang minsang nagiging ugat kung bakit tayo nasasaktan at kung bakit tayo umiiyak. Ituring na lang natin na yung mga sakit na iyon ang aral para sa atin, na sa susunod magtira naman tayo para sa ating sarili. Oo, masarap daw magmahal at maskit din, pero alam mo ba kung bakit ka nasasaktan? Yun ay dahil nagmahal ka nang sobra na pati sarili mo ay nalimutan mo na.
Loving a person you can never really have
Bakit ganun? Kung sino pa minsan yung minahal mo nang sobra, siya pa yung kahit kailan ay hindi magiging iyo. Sabi nga, kapag nagmahal ka wag kang maghintay nang kapalit. Masakit man isipin na yung totoong minahal mo ay kahit kailan di ka kayang mahalin. Mahal mo, pero kaibigan ka lang niya. Sakit di ba? Minsan nakakapagod, at may mga pagkakataon na gusto mo na sumuko dahil alam mong di mo rin makukuha ang puso at atensyon niya. Minsan, di mo magawang di umasa na baka isang araw ay mahalin ka rin niya, gaya nang pagmamahal mo sa kanya. Pilitin mo mang kalimutan siya pero di mo magawa. Bakit di mo ba siya pwedeng mahalin nang di niya alam? Di ba pwede. Huwag mo pilitin kalimutan siya, hayaan mong dumating ang araw na naklimutan mo na pala siya.
Falling in love with someone you didn’t mean to fall in love with May mga pagkakataong di man natin ginusto mahalin ang isang tao, pero minahal natin sila nang di sinasadya. Noong una akala mo, kaibigan mo lang siya, at sinabi mo rin sa sarili mo na kahit kailan, di mo siya mamahalin, pero ano ngayon? Sino ang tinitibok ng puso mo? Di ba siya? Oo, masakit kasi, alam mong di kayo pwede o maaring may nag-mamay-ari na sa kanya pero minahal mo pa rin siya nang di mo sinasadya. Kahit kailan di natin pwede diktahan ang ating puso, pigilan mo mang mahalin siya pagdating sa huli siya pa rin ang hahanapin mo. Hayaan mo ang sarili mong mahalin siya, pero alamin mo kung ano man yung mga limitasyon mo, at hangga’t maari iwasan mong makasakit ng iba.
Pains?! Sufferings?! Heartaches?!I've been through with that!I guess i've been immune with those aches!Since my heart started to fall for someone...There's always a time that they broke my heart...And was left behind with all the memories...And me?Trying to ease all the pains they brought...Starting all over again...Though it takes time to heal my wounds...I'm still hoping that someday,I can live without their footprints beside me....I'M SORRY MY DEAR!!!It's a new ME!I will never let anyone hurt me again!!!Unless, you are the right one that i'm waiting for!!!I know, God has its own PERFECT TIME for us to meet...I'll wait for you Mr. Right...I promise!!!
(I know, it's impossible for you to read this. I wrote this letter last April 18, 2006. ) April, 18, 2006 Dearest Chris, Elow! Alam ko hindi mo mababasa itong letter na ito kasi once na mababasa mo ito magugulo ang lahat! Kanina, tinitingnan ko yung yearbook niyo! Bakit ganun parang bumabalik sa isip ko ang lahat ng alaala na naiwan mo sa akin na hanggang ngayon nandito pa rin. Bakit ba ikaw ganyan? Ano ba ginawa mo sa akin? Bakit bumabalik pa rin sa isip ko? Bakit kahit alam ko na may iba ka nang mahal, di ko alam bakit umaasa pa rin ako... na baka at na sana someday makasama kita! Isa lang gusto ko malaman Chris! isa lang Chris! ay hindi pala! Minahal mo ba talga ako? Naging mahalaga ba ako sa'yo? Yung mga sulat ko ba tinago mo? Naaalala mo ba ako kahit minsan sa isang araw? sa isang linggo? kahit minsan sa isang buwan? Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ng harapan na mhal mo ako noon? Dahil ba walng katotohanan ang lahat ng yun? Yung bang mga text ko naalala mo pa? Bakit ganun? Ni pangalan ko nga ata di mo na alam! Napaka-unfair mo, ikaw minahal ko ng sobra! Kahit na yung pina-una mong text alam ko pa. YUng mga sulat mo, buhay pa! Yung mga memories na kausap kita, yung mga kakiligkilig moments. Oo mikling panahon lang yun! Pero memorize ko lahat yun! Chris, nalulungkot ako at nagsisisi ako dahil hindi mo man lang ako nabgiyan ng pagkakataon na makasam ka. Nasasakatan ako sa tuwing sinasabi mo na hindi kita minahal. Hindi mo ba ramdam yung pagmamahal na binigay ko sa'yo Hindi mo ba yun nakita? o sadyang manhid ka lang at sa iba ka naktingin? Dumating ang panahon na, napagod ako umasa na babalik ka! Napagod ako maghintay na maramdaman ang mga katagng "mahal kita" na binitawan mo sa akin. Pero bakit isang rawa bumalik ka, kung kelan lahat ng sakit ay pumanaw na, bakit kung kelan ako'y pag-aari na ng iba. Bakit nagpakita ka pa? Bakit? Ayokong makasakit ng iba at natatakot ako na baka sa huli ako'y muling iwan.. tulad ng dati.... Ikaw ang unang nagpatibok ng puso ko. Ikaw ang unang tao nagparanas at nagpakita sa akin ng aking kahalagahan. Ikaw ang unang nagturo sa akin kung ano ang tunay na pagmamahal. Subalit ikaw rin ang unang taong nanakit ng aking damdamin. Oo, ngayon alam ko yung tungkol sa'yo. Gayunpaman, hindi ko alam bakit pagtingin ko sa'yo ay gaya pa rin ng dati. Pilit kong pinapaniwala at pinapakita sa sarili ko na nagbago ka na. Pero bakit ganito? Pag naalala kita, ang tingin ko sa'yo ay yung mabait, sweet, thoughtful lahat positive. Hindi ko alam bakit ganito? Mahal pa rin kaya kita? Tuluyan nga ba na kita nakalimutan? Minsan naiinis ako kasi bakit naalala kita? Bakit ba kita minhal? Dati, lagi ko sinasabi na sana kaibigan mo na lang ako (kagaya ng mga kaibigan mo) at least diba makakasama kita. Kaya nung naging close tayo sa personal naging masaya ako kahit paano. wala na talagang pag-asa maibalik ang dating tayo. Yung dating hindi close sa personal, tinginan lang masaya na! YUng sulatan.. yung walang humpay na text na wala pang unli. yung mga iwasan natin. Lhat ng memories ay mananatili na lng na memories. Parang panaginip lang ang lahat. Parang isang fantasy! Akala ko totoo na! Akala ko totoo na may isang Chris ang dumating sa buhay ko, na siyang nagbigay kulay nito! Gusto ko magpasalamat sa minsan. sa minsang minahal mo ako. totoo man yun o hindi, Sa minsang pagpapangiti mo sa akin. Sa minsang pagpapadama ng aking kahalagahan. Sa minsang kina-eexcite ko na pumasok sa school. Salamat kasi ikaw ang dahilan ng pagiging active ko sa skul. Umattend ako ng press-conference para makasama at makita ka. Nag CAT ako dahil sa'yo, Nag ISCF din ako para makasama ka. Ikaw ang siyang dahilan ng lahat ng ito! Pasensiya na haba nito, anyway, di mo naman ito mababasa eh. Cguro dadalhin ko na lang to hanggang mamatay ako. Ang dami kasing mga tanong na nasa isip ko na hanggang ngayon wala pa ring kasagutan. At kahit na kailan pa man wala nang akong makikitang kasagutan pa! Alam mo, masaya ako kasi alam ko masaya ka na rin. Pero before ang lahat want to say THANKS! for evrything. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Salamat kasi nagkaroon ako ng inspirasyon at ikaw yun! Sana maging successful nurse ka, di ko makalimutan yung sinabi mo sa akin date na gagamutin mo ko pag may sakit ako. Sana someday magkita tayo muli. Pero sana maalala mo pa rin ako kahit bilang kaibigan lang, Ingatan mo sarili mo!
=jhAisQuared=

"What is love?"Basta alam ko lang, isa yan sa mga katanungan sa mga Slum Book na nasagutan ko.Pero, guess what? isa lang ang definition ko ng love that time...."Love is God."Well, no wonder my dad is a pastor and i grew up sa Christian community. So, yun ung definition ko nun...Yun yung alam ko eh, that God is the best description of Love.At very young age, di ko alam kung ano ba talaga un. Basta alam ko lang kailangan may maisulat ako dun. When i reached high school, mas nagiging pamilyar sa akin yung word na "LOVE", ewan ko ba, lumingon ako sa kaliwa, sa kanan, sa harap at kahit sa likod yung yung naririnig at nakikita ko sa mga kaibigan ko at classmates ko.That was the first time din na naka-witness ako ng ligawan at kung anu-ano pa. At halos lahat ng kaibigan ko ay nasa "mundo ng pag-ibig" na naging sanhi upang aking tanungin ang aking sarili, bakit ako naiiba? Hanggang sa dalhin ako ng aking pag-uusisa na hilingin sa Diyos na sana'y maramdaman ko din iyong tinatawag nilang pag-ibig.Nakakatawang isipin, pero ako'y hindi nagbibiro, na ako'y minsa'y nanalangin sa Diyos ng ganun... (hahaha)Sa wakas! dininig ng Diyos ang munti kong panalangin. I was second year high school nung unang tumibok ang aking puso at sa di inaasahang pagkakataon at sa maling tao.Maling tao, sapagkat iniibig siya ng aking matalik na kaibigan. Simula pa ng unang pagtapak namin sa High school, gusto nya na si Chris. At madalas nya yun sabihin sa akin, at di ko maikakaila na iniibig nga niya ito. At walang kaso sa akin iyon, masaya ako para sa kaibigan ko. Ngunit hindi ito alam ni Chris. Bagama't madalas sila magkasama dahil pareho sila kabilang sa choir. Well, wala naman talaga ako pakialam sa lalaking yun, noon pa! Pero, aaminin ko "cute" siya. Pero hindi ako interesado sa kanya.Subalit ang pagkakataon nga naman, hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Ang natatandaan ko, may humingi ng cellphone number ko, at dun nagsimula, tinext niya ako, nagpakilala siya at OMG! si Chris! I don't have any idea that time bakit niya ko tinext. And then, our friendship started, hindi ko alam kung friendship yun maituturing. And madalas na kami magkatext, nagsusulatan din kami, pero pag nasa school kami, nag-iiwasan kami. Parng hindi kami magkakilala, hindi din kami nag-uusap.Si Chris kasi ay "sikat sa school", kung baga, halos lahat nasa kanya na, matalino, mabait, active sa school, cute. Officer siya ng CAT (adjutant 2), salutatorian, EIC ng campus paper, Vice- president ng ISCF, member ng choir(officer dn ata pla siya dun) at halos sa lhat ng organization andun siya, basta maraming nagkaka-gusto sa kanya at isa na sa maraming yun ang matalik kong kaibigan. Kaya nga, nagtataka ang kaibigan ko bakit daw hindi ko masyado trip si Chris, pakiramdam ko kasi mayabang siya. At nabago yung impression ko na yun sa kanya simula ng naging malapit kami sa isa't-isa. At tinago ko iyon sa kaibigan ko, dahil na rin sa takot, takot, dahil hindi ko alam kung ano magiging reaction nya, bagama't wala naman silang relasyon ni Chris, pakiramdam ko mali pa rin ako. Lagi naman kinkatwiran ng iba kong kaibigan sa kin, bakit, hindi naman sila, at mag-kaibigan lang kami kaya walng masama. Oo wala nga sigurong masama, pero dun na nagsimula na madalas na kami hindi magkasama ng matalik kong kaibigan dahil na rin siguro, hindi ko maishare sa kanya yung masasayang memories ko with Chris, kasi alam ko masasaktan ko siya. December 18, 2003, Christmas party sa school nun, may regalo siya sa akin isang bear. at ang pangalan nya "Chriziel". Sabi niya kasi kung trip ko daw pangalanan okay lang. Yun pinaghalo ko yung pangalan namin. Masaya ako nun pero malungkot din dahil mahaba yung bakasyon na hindi ko siya makikita. Simula nung nakilala ko siya, pakiramdam ko umikot yung mundo ko sa kanya. Isa siya sa dahilan bakit ko gusto pumasok sa school nun, excited kasi ako makita siya (lande hehe!). Pag wala siya, sobrang lungkot ng araw ko, madalas kasi wala siya dahil sa mga sinasalihan nyang contest sa labas ng school. Nung Dec. 18 na rin, binalak kong sabihin sa matalik kong kaibigan ang lahat. Pinakinggan niya ko, at habang nakikinig siya sa akin alam ko, at nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Pero pinilit niyang itinago yun at ang sabi niya "ok lang yun! Crush ko lang naman si Chris!" so, inakala kong maayos na ang lahat, pero hanggang dumating ang araw na naging matabang na ang pakikisama niya sa akin hindi na kami kagaya ng dati. Pero, nakalimutan ko na lang yun sa sobrang kabaliwan ko, hehehe. Nagtuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap namin ni Chris pero sa text lang. Walang pang-unli nun, heheheMadalas siya nagpapadala ng mga text message, na parng sinasabi niyang mahalaga ako sa kanya at mahal niya ako. At isang gabi, hindi ko makakalimutan yung time na iyon, ito yung text nya..."Do you love me? Ndi nga?! Do you love me? Ang gulo naman... Sabhin mo na kc... di ko rin masabi... pero MAHAL KITA...WALNG BIRO... reply ka ha." (lahat ng text niya nakasulat.. 3 notebook ganun ako ka-inlove noon hahaha )At ang pinaka-masaklap, pag reply ko, okay check operator! gabing-gabi na at sardo na ang tindhan para magpa-load... So, paggising ko sabi ko, baka qoutes lang iyon... Hindi ko na nasagot yung tanong na yun...Pero MAHAL NA MAHAL ko siya nun, yung nga lang hindi ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin iyon sa kanya. Pero since then, pag-nagte2xt siya laging may "lab u". MInsan kasi ang hirap paniwalaan lalo na kung hindi mismo sa bibig niya nagnggaling. Pero yun, ganun pa rin set-up namin.Sa sobrang daming mgagandang memories hindi ko na mai-detail lahat. Yung sa CAT, officer ko siya, lagi siya ung nag-cocommand samen, sa tuwing ganun lage ako kinkabahan na hindi ko maintindihan, parang may paru-paro sa tiyan ko. (hehehehe). Lage niya ko tinutulungan pag need ko ng paraphernalias. At the first time na kinausap niya ko March 26, 2004, pinababa ako ng mga classmates ko kasi pinapatawag daw kami ni J2(si Chris), kinakabahan ako ewan ko ba, ayoko pa sana bumaba kaso naisip ko officer ko siya at kailangan ko sumunod. 'yun, binigay nya yung beret na need sa duty kinaumagahan. Yun ata ay isa sa di ko makakalimutang araw sa buhay ko noon. (baliw nga!). Yung mga times na pag dumdaan siya sa room kahit na sa kabilang building pa room niya ewan ko paano siya napunta dun hehehe. Basta marami pang memories. Hanggng graduating niya siya, isang linggo ako umiiyak gabi-gabi kasi di ko na siya makikita. (baliw tlga ako nun!) Basta sobrang lungkot ko. Pero, narealize ko, napakalaki ng naibahagi niya sa buhay ko. Binigyan niya ng kulay ang buhay hayskul ko. Siya ang naging dahilan kung bakit naging active ako sa school. Siya ang nag-anyaya sa akin na sumali sa CAT at mag-cocc, ginawa ko yun, at yung ranggo niya yun din yung ranggo ko J2 din ako. Ininvite niya ako sumali sa ISCF (Inter-School Christian Fellowship), Vice-president siya dun at yun din nagng position ko dun. At sumali din ako sa campus paper, umattend ako ng workshop dahil gusto ko siya makita, at dahil alam ko andun siya kaya kahit na alam ko wala akong talent magsulat, umeksena ang lola mo! (hahaha). Nakakatawa talaga yun, kasi, grade6 ako nag training lang kami nun pero hindi tlga ako marunong magsulat. Pero dahil nga, nahibang sa pag-ibig, ayun, nakisali-sali ako dun. (omg! di ko akalain ganun ako noon!). Pero, dahil sa matinding inspirasyon ko, natuklasan ko my talent pala ako sumulat kahit paano hehehe at yun, naging EIC din ako ng campus paper kagaya niya. Siya naging inspirasyon ko nun, marahil ay hindi niya yun alam, pero sana kahit paano naramdaman niya yun...."HINDI MAN NAGING KAMI SA HULI, SIYA PA RIN ANG FIRST LOVE KO!" P.S.(Nasulat ko ito dahil nakita ko yung bear, naalala ko siya hehehe!)
|
|
|