♥♥ First Love Never Dies ♥♥

"What is love?"
Basta alam ko lang, isa yan sa mga katanungan sa mga Slum Book na nasagutan ko.
Pero, guess what? isa lang ang definition ko ng love that time....
"Love is God."
Well, no wonder my dad is a pastor and i grew up sa Christian community. So, yun ung definition ko nun...
Yun yung alam ko eh, that God is the best description of Love.
At very young age, di ko alam kung ano ba talaga un. Basta alam ko lang kailangan may maisulat ako dun.
When i reached high school, mas nagiging pamilyar sa akin yung word na "LOVE", ewan ko ba, lumingon ako sa kaliwa, sa kanan, sa harap at kahit sa likod yung yung naririnig at nakikita ko sa mga kaibigan ko at classmates ko.
That was the first time din na naka-witness ako ng ligawan at kung anu-ano pa. At halos lahat ng kaibigan ko ay nasa "mundo ng pag-ibig" na naging sanhi upang aking tanungin ang aking sarili, bakit ako naiiba?
Hanggang sa dalhin ako ng aking pag-uusisa na hilingin sa Diyos na sana'y maramdaman ko din iyong tinatawag nilang pag-ibig.
Nakakatawang isipin, pero ako'y hindi nagbibiro, na ako'y minsa'y nanalangin sa Diyos ng ganun... (hahaha)
Sa wakas! dininig ng Diyos ang munti kong panalangin.
I was second year high school nung unang tumibok ang aking puso at sa di inaasahang pagkakataon at sa maling tao.
Maling tao, sapagkat iniibig siya ng aking matalik na kaibigan. Simula pa ng unang pagtapak namin sa High school, gusto nya na si Chris.
At madalas nya yun sabihin sa akin, at di ko maikakaila na iniibig nga niya ito.
At walang kaso sa akin iyon, masaya ako para sa kaibigan ko. Ngunit hindi ito alam ni Chris. Bagama't madalas sila magkasama dahil pareho sila kabilang sa choir.
Well, wala naman talaga ako pakialam sa lalaking yun, noon pa! Pero, aaminin ko "cute" siya. Pero hindi ako interesado sa kanya.
Subalit ang pagkakataon nga naman, hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Ang natatandaan ko, may humingi ng cellphone number ko, at dun nagsimula, tinext niya ako, nagpakilala siya at OMG! si Chris!
I don't have any idea that time bakit niya ko tinext. And then, our friendship started, hindi ko alam kung friendship yun maituturing. And madalas na kami magkatext, nagsusulatan din kami, pero pag nasa school kami, nag-iiwasan kami. Parng hindi kami magkakilala, hindi din kami nag-uusap.
Si Chris kasi ay "sikat sa school", kung baga, halos lahat nasa kanya na, matalino, mabait, active sa school, cute. Officer siya ng CAT (adjutant 2), salutatorian, EIC ng campus paper, Vice- president ng ISCF, member ng choir(officer dn ata pla siya dun) at halos sa lhat ng organization andun siya, basta maraming nagkaka-gusto sa kanya at isa na sa maraming yun ang matalik kong kaibigan. Kaya nga, nagtataka ang kaibigan ko bakit daw hindi ko masyado trip si Chris, pakiramdam ko kasi mayabang siya. At nabago yung impression ko na yun sa kanya simula ng naging malapit kami sa isa't-isa.
At tinago ko iyon sa kaibigan ko, dahil na rin sa takot, takot, dahil hindi ko alam kung ano magiging reaction nya, bagama't wala naman silang relasyon ni Chris, pakiramdam ko mali pa rin ako. Lagi naman kinkatwiran ng iba kong kaibigan sa kin, bakit, hindi naman sila, at mag-kaibigan lang kami kaya walng masama. Oo wala nga sigurong masama, pero dun na nagsimula na madalas na kami hindi magkasama ng matalik kong kaibigan dahil na rin siguro, hindi ko maishare sa kanya yung masasayang memories ko with Chris, kasi alam ko masasaktan ko siya.
December 18, 2003, Christmas party sa school nun, may regalo siya sa akin isang bear. at ang pangalan nya "Chriziel". Sabi niya kasi kung trip ko daw pangalanan okay lang. Yun pinaghalo ko yung pangalan namin. Masaya ako nun pero malungkot din dahil mahaba yung bakasyon na hindi ko siya makikita. Simula nung nakilala ko siya, pakiramdam ko umikot yung mundo ko sa kanya. Isa siya sa dahilan bakit ko gusto pumasok sa school nun, excited kasi ako makita siya (lande hehe!). Pag wala siya, sobrang lungkot ng araw ko, madalas kasi wala siya dahil sa mga sinasalihan nyang contest sa labas ng school.
Nung Dec. 18 na rin, binalak kong sabihin sa matalik kong kaibigan ang lahat. Pinakinggan niya ko, at habang nakikinig siya sa akin alam ko, at nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Pero pinilit niyang itinago yun at ang sabi niya "ok lang yun! Crush ko lang naman si Chris!" so, inakala kong maayos na ang lahat, pero hanggang dumating ang araw na naging matabang na ang pakikisama niya sa akin hindi na kami kagaya ng dati.
Pero, nakalimutan ko na lang yun sa sobrang kabaliwan ko, hehehe.
Nagtuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap namin ni Chris pero sa text lang. Walang pang-unli nun, hehehe
Madalas siya nagpapadala ng mga text message, na parng sinasabi niyang mahalaga ako sa kanya at mahal niya ako. At isang gabi, hindi ko makakalimutan yung time na iyon, ito yung text nya...
"Do you love me? Ndi nga?! Do you love me? Ang gulo naman... Sabhin mo na kc... di ko rin masabi... pero MAHAL KITA...WALNG BIRO... reply ka ha."
(lahat ng text niya nakasulat.. 3 notebook ganun ako ka-inlove noon hahaha )
At ang pinaka-masaklap, pag reply ko, okay check operator! gabing-gabi na at sardo na ang tindhan para magpa-load... So, paggising ko sabi ko, baka qoutes lang iyon... Hindi ko na nasagot yung tanong na yun...
Pero MAHAL NA MAHAL ko siya nun, yung nga lang hindi ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin iyon sa kanya. Pero since then, pag-nagte2xt siya laging may "lab u". MInsan kasi ang hirap paniwalaan lalo na kung hindi mismo sa bibig niya nagnggaling. Pero yun, ganun pa rin set-up namin.
Sa sobrang daming mgagandang memories hindi ko na mai-detail lahat. Yung sa CAT, officer ko siya, lagi siya ung nag-cocommand samen, sa tuwing ganun lage ako kinkabahan na hindi ko maintindihan, parang may paru-paro sa tiyan ko. (hehehehe). Lage niya ko tinutulungan pag need ko ng paraphernalias. At the first time na kinausap niya ko March 26, 2004, pinababa ako ng mga classmates ko kasi pinapatawag daw kami ni J2(si Chris), kinakabahan ako ewan ko ba, ayoko pa sana bumaba kaso naisip ko officer ko siya at kailangan ko sumunod. 'yun, binigay nya yung beret na need sa duty kinaumagahan. Yun ata ay isa sa di ko makakalimutang araw sa buhay ko noon. (baliw nga!). Yung mga times na pag dumdaan siya sa room kahit na sa kabilang building pa room niya ewan ko paano siya napunta dun hehehe. Basta marami pang memories. Hanggng graduating niya siya, isang linggo ako umiiyak gabi-gabi kasi di ko na siya makikita. (baliw tlga ako nun!) Basta sobrang lungkot ko. Pero, narealize ko, napakalaki ng naibahagi niya sa buhay ko. Binigyan niya ng kulay ang buhay hayskul ko. Siya ang naging dahilan kung bakit naging active ako sa school. Siya ang nag-anyaya sa akin na sumali sa CAT at mag-cocc, ginawa ko yun, at yung ranggo niya yun din yung ranggo ko J2 din ako. Ininvite niya ako sumali sa ISCF (Inter-School Christian Fellowship), Vice-president siya dun at yun din nagng position ko dun. At sumali din ako sa campus paper, umattend ako ng workshop dahil gusto ko siya makita, at dahil alam ko andun siya kaya kahit na alam ko wala akong talent magsulat, umeksena ang lola mo! (hahaha). Nakakatawa talaga yun, kasi, grade6 ako nag training lang kami nun pero hindi tlga ako marunong magsulat. Pero dahil nga, nahibang sa pag-ibig, ayun, nakisali-sali ako dun. (omg! di ko akalain ganun ako noon!). Pero, dahil sa matinding inspirasyon ko, natuklasan ko my talent pala ako sumulat kahit paano hehehe at yun, naging EIC din ako ng campus paper kagaya niya. Siya naging inspirasyon ko nun, marahil ay hindi niya yun alam, pero sana kahit paano naramdaman niya yun....
"HINDI MAN NAGING KAMI SA HULI, SIYA PA RIN ANG FIRST LOVE KO!"

P.S.
(Nasulat ko ito dahil nakita ko yung bear, naalala ko siya hehehe!)
Wednesday, April 1, 2009