♥♥ Open Letter ♥♥

(I know, it's impossible for you to read this. I wrote this letter last April 18, 2006. )

April, 18, 2006

Dearest Chris,

Elow! Alam ko hindi mo mababasa itong letter na ito kasi once na mababasa mo ito magugulo ang lahat!
Kanina, tinitingnan ko yung yearbook niyo! Bakit ganun parang bumabalik sa isip ko ang lahat ng alaala na naiwan mo sa akin na hanggang ngayon nandito pa rin.
Bakit ba ikaw ganyan? Ano ba ginawa mo sa akin? Bakit bumabalik pa rin sa isip ko? Bakit kahit alam ko na may iba ka nang mahal, di ko alam bakit umaasa pa rin ako... na baka at na sana someday makasama kita! Isa lang gusto ko malaman Chris! isa lang Chris! ay hindi pala!
Minahal mo ba talga ako? Naging mahalaga ba ako sa'yo? Yung mga sulat ko ba tinago mo? Naaalala mo ba ako kahit minsan sa isang araw? sa isang linggo? kahit minsan sa isang buwan?
Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ng harapan na mhal mo ako noon? Dahil ba walng katotohanan ang lahat ng yun? Yung bang mga text ko naalala mo pa? Bakit ganun? Ni pangalan ko nga ata di mo na alam!
Napaka-unfair mo, ikaw minahal ko ng sobra! Kahit na yung pina-una mong text alam ko pa. YUng mga sulat mo, buhay pa! Yung mga memories na kausap kita, yung mga kakiligkilig moments. Oo mikling panahon lang yun! Pero memorize ko lahat yun!
Chris, nalulungkot ako at nagsisisi ako dahil hindi mo man lang ako nabgiyan ng pagkakataon na makasam ka. Nasasakatan ako sa tuwing sinasabi mo na hindi kita minahal. Hindi mo ba ramdam yung pagmamahal na binigay ko sa'yo Hindi mo ba yun nakita? o sadyang manhid ka lang at sa iba ka naktingin?
Dumating ang panahon na, napagod ako umasa na babalik ka! Napagod ako maghintay na maramdaman ang mga katagng "mahal kita" na binitawan mo sa akin. Pero bakit isang rawa bumalik ka, kung kelan lahat ng sakit ay pumanaw na, bakit kung kelan ako'y pag-aari na ng iba. Bakit nagpakita ka pa? Bakit?
Ayokong makasakit ng iba at natatakot ako na baka sa huli ako'y muling iwan.. tulad ng dati....
Ikaw ang unang nagpatibok ng puso ko. Ikaw ang unang tao nagparanas at nagpakita sa akin ng aking kahalagahan. Ikaw ang unang nagturo sa akin kung ano ang tunay na pagmamahal. Subalit ikaw rin ang unang taong nanakit ng aking damdamin.
Oo, ngayon alam ko yung tungkol sa'yo. Gayunpaman, hindi ko alam bakit pagtingin ko sa'yo ay gaya pa rin ng dati. Pilit kong pinapaniwala at pinapakita sa sarili ko na nagbago ka na. Pero bakit ganito? Pag naalala kita, ang tingin ko sa'yo ay yung mabait, sweet, thoughtful lahat positive. Hindi ko alam bakit ganito? Mahal pa rin kaya kita? Tuluyan nga ba na kita nakalimutan?
Minsan naiinis ako kasi bakit naalala kita? Bakit ba kita minhal? Dati, lagi ko sinasabi na sana kaibigan mo na lang ako (kagaya ng mga kaibigan mo) at least diba makakasama kita. Kaya nung naging close tayo sa personal naging masaya ako kahit paano. wala na talagang pag-asa maibalik ang dating tayo. Yung dating hindi close sa personal, tinginan lang masaya na! YUng sulatan.. yung walang humpay na text na wala pang unli. yung mga iwasan natin. Lhat ng memories ay mananatili na lng na memories.
Parang panaginip lang ang lahat. Parang isang fantasy! Akala ko totoo na! Akala ko totoo na may isang Chris ang dumating sa buhay ko, na siyang nagbigay kulay nito!
Gusto ko magpasalamat sa minsan. sa minsang minahal mo ako. totoo man yun o hindi, Sa minsang pagpapangiti mo sa akin. Sa minsang pagpapadama ng aking kahalagahan. Sa minsang kina-eexcite ko na pumasok sa school. Salamat kasi ikaw ang dahilan ng pagiging active ko sa skul.
Umattend ako ng press-conference para makasama at makita ka. Nag CAT ako dahil sa'yo, Nag ISCF din ako para makasama ka. Ikaw ang siyang dahilan ng lahat ng ito!
Pasensiya na haba nito, anyway, di mo naman ito mababasa eh. Cguro dadalhin ko na lang to hanggang mamatay ako. Ang dami kasing mga tanong na nasa isip ko na hanggang ngayon wala pa ring kasagutan. At kahit na kailan pa man wala nang akong makikitang kasagutan pa!
Alam mo, masaya ako kasi alam ko masaya ka na rin. Pero before ang lahat want to say THANKS! for evrything. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Salamat kasi nagkaroon ako ng inspirasyon at ikaw yun! Sana maging successful nurse ka, di ko makalimutan yung sinabi mo sa akin date na gagamutin mo ko pag may sakit ako.
Sana someday magkita tayo muli. Pero sana maalala mo pa rin ako kahit bilang kaibigan lang, Ingatan mo sarili mo!


=jhAisQuared=
Wednesday, April 1, 2009