♥♥ heartaches ♥♥



Letting Go of the Person you’ve learned to love

Sabi nila, pagmahal mo ang isang tao, set him/her free. Oo madaling sabihin, pero paano kung ikaw na nag nasa sitwasyon, kaya mo kayang pakawalan ang taong natutunan mo nang mahalin? Oo, mahirap, masakit ang hayaang mawala ang taong espesyal sa’yo at naging parte ng buhay mo. Pero minsan, kailangan mong gawin para sa ikasasaya niya, sa ikabubuti niya at ng sitwasyon.

Trying to hide what you really feel

In short, pretending. Marami sa atin mahilig mag-pretend. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang magpretend na di mo mahal ang isang tao, na wala kang pakialam sa kanya, pero diyan sa puso mo, para bang sasabog na yang puso mo sa tuwing nakikita mo siya, tapos sa tuwing kakausapin ka niya halos di ka na makasalita at kung minsan pinapakita mo na u don’t care for him/her pero ang totoo, di ka na makatulog sa kaiisip mo sa kanya kung ok lang ba siya. Huwag mo na kasi pahirapan sarili mo, bakit ba di mo pakita at paramdam yung talagang nararamdaman mo. Kung mahal mo siya sabihin mo, sige ka baka dumating yung panahon na masasabi mo na lang na, sana noon pa.

Loving a person to much

Ika nga, lahat ng sobra ay masama. Minsan sa buhay natin, di na natin namamalayan na may mga pagkakataon na nagmamahal na tayo ng sobra. Yung tipong wala nang natira para sa sarili natin. Na siyang minsang nagiging ugat kung bakit tayo nasasaktan at kung bakit tayo umiiyak. Ituring na lang natin na yung mga sakit na iyon ang aral para sa atin, na sa susunod magtira naman tayo para sa ating sarili. Oo, masarap daw magmahal at maskit din, pero alam mo ba kung bakit ka nasasaktan? Yun ay dahil nagmahal ka nang sobra na pati sarili mo ay nalimutan mo na.

Loving a person you can never really have

Bakit ganun? Kung sino pa minsan yung minahal mo nang sobra, siya pa yung kahit kailan ay hindi magiging iyo. Sabi nga, kapag nagmahal ka wag kang maghintay nang kapalit. Masakit man isipin na yung totoong minahal mo ay kahit kailan di ka kayang mahalin. Mahal mo, pero kaibigan ka lang niya. Sakit di ba? Minsan nakakapagod, at may mga pagkakataon na gusto mo na sumuko dahil alam mong di mo rin makukuha ang puso at atensyon niya. Minsan, di mo magawang di umasa na baka isang araw ay mahalin ka rin niya, gaya nang pagmamahal mo sa kanya. Pilitin mo mang kalimutan siya pero di mo magawa. Bakit di mo ba siya pwedeng mahalin nang di niya alam? Di ba pwede. Huwag mo pilitin kalimutan siya, hayaan mong dumating ang araw na naklimutan mo na pala siya.



Falling in love with someone you didn’t mean to fall in love with

May mga pagkakataong di man natin ginusto mahalin ang isang tao, pero minahal natin sila nang di sinasadya. Noong una akala mo, kaibigan mo lang siya, at sinabi mo rin sa sarili mo na kahit kailan, di mo siya mamahalin, pero ano ngayon? Sino ang tinitibok ng puso mo? Di ba siya? Oo, masakit kasi, alam mong di kayo pwede o maaring may nag-mamay-ari na sa kanya pero minahal mo pa rin siya nang di mo sinasadya. Kahit kailan di natin pwede diktahan ang ating puso, pigilan mo mang mahalin siya pagdating sa huli siya pa rin ang hahanapin mo. Hayaan mo ang sarili mong mahalin siya, pero alamin mo kung ano man yung mga limitasyon mo, at hangga’t maari iwasan mong makasakit ng iba.

Thursday, April 2, 2009