♥♥♥ Memories turned into Ashes ♥♥♥

March 23, 2009, past five o'clock in the afternoon...
While I'm watching television, nagtext ang bestfriend ko...
And he told me, "Best, sunog na ung room natin!"
I was shocked, and asked him if he's joking!
Sobrang nalungkot ako....
Parang nadurog ung puso ko, kahit na ganun ung school namen...
Kahit na minsan, nilalait...
Pero, at that very moment, hindi ko alam bakit ganun ung naramdaman ko.
Though wala ako dun sa pinangyayarihan ng sunog.
Hindi ko namalayang unti-unti na palang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

Lahat ng magagandang alalaala ko ngayong 3rd year kame, ay parang biglang naglaho...
Dito kame unang naka-experience ng air-conditioned room.....
Dito kame, nung una naming pinag-planuhan ang unang t-shirt ng klase namen...
Dito rin, kame nag-plano ng unang outing namin...
At higit sa lahat, dito din yung unang pagkakataon na lalong tumibay ang aming pagsasamahan...
Yung mga pagkakataon na kami na lang ang nag-klaklase sa sobrang sipag ni Sir Roca...
Yung mga trippings namen pag wala pang professor...
Halos lahat kami nasa corridor... Pero simula nang magkaroon ng aircon ang room namen lahat kame nasa loob... Yung mga ka-cornyhan na games... Yung "one-seat apart" tuwing exam tila ung isang silyang pagitan ay hindi kakasya ang isang normal na tao... Parang wala rin.. hahaha...
Dito rin sa room na ito nabuo ang bestfriendship namin ni Mumoy... At marami pang iba...

Masakit man isipin nawala ang mga munting alaala nasimulan... Ngunit, umaasa pa rin ako na may panibagong yugto ang parating para sa aming lahat. Ika nga, lahat ng bagay ay may dahilan. At ito ang siyang aking pinanghahawakan sa ngayon. Hindi pa rin huli ang lahat... Naging abo man ang mga ito. Ngunit sa aking puso, ang mga alaalang ito ay hinding-hindi maglalaho!